bai’s Weblog


hanggang kailan ako maghihintay?
Mayo 3, 2008, 3:33 hapon
Filed under: gugma, love | Mga kataga: , ,

hindi ko alam ba’t kailangan ko pang umasa na sana darating ka. inuubos ko masyado ang oras ko sa kakahanda sa iyong pagdating. ayokong madatnan mo na parang mukha akong atsay. ayokong maging kahiya hiya, katawa tawa sa ating pagkikita. pero worth it ka ba talagang hintayin? pano kung dumating ka na pala na di ko namalayan? pano kung dumaan ka tapos biglang may dumating at di na tuloy kita nakita? pano kung nagkausap na pala tayo tapos parang hindi ganun ka attractive sa akin at nabalewala kita? may second chance pa kaya?

ayoko nang mangarap. pagod na ako sa kakaibig tapos mali naman pala. sana naman si kupido tumagos na yong pana nya sa atin. ayoko ng mag isa. ayoko nang mag text sa mga friends ko na sabayan ako pagpunta sa mall dahil bored ako na sana ikaw ang gumagawa. ayoko ng parang namamalimos ako sa ibang tao para may mabuhusan ang frustration sa buhay ko na sana ikaw ang nasa tabi ko sa mga oras na yun. sana nga ibigay ka na sa akin. di ko na kakayanin na maging trenta anyos na ako saka ka pa dumating tapos nagpakasal na pala ako sa iba na di ko naman talaga mahal.

kung nasa abroad ka man or nasa benguet or kung saang lupalop ng mundo pls naman oh pumunta ka naman dito sa cebu nandito lang ako. nasa gym lang ako pag walang ginagawa masyado, nanood ng tv pag gabi. paminsan minsan na lang ako nakatambay sa starbucks. di na ako naglalakwartsa. basta sana naman mabasa mo na ang blog na to. mag email ka kung ikaw ba ang hinahanap ko. ok?

so please mga anito, mga batong makapangyarihan, mga nino ko, mga bathala sa langit, mga maunawaing santo at patron, please mag “lets volt in” na kayo at pilitin nyo na si kupido na hasain ang sibat at panain nyo na ang puso ko at puso nya. wag nyo na sanang hintayin pang magpatiwakal ako. please lang ok?

Advertisements

3 mga puna so far
Mag-iwan ng puna

ayy ganun ba.
cheer up bai!
hug nalng kita.

BAI: wag mo n lang akong i-hug , seloso kaya ang “baby” mo baka ipabugbog pa ako nun. hehehe

Komento ni chase/chubz

“so please mga anito, mga batong makapangyarihan, mga nino ko, mga bathala sa langit, mga maunawaing santo at patron, please mag “lets volt in” na kayo at pilitin nyo na si kupido na hasain ang sibat at panain nyo na ang puso ko at puso nya. wag nyo na sanang hintayin pang magpatiwakal ako. please lang ok?”…
>>> lam mo, hindi ka OA noh, hindi talaga…hehehe. saang aklat mo ba nabasa yang ganyang mga lathala?

BAI: ganyan talaga ang cooling effect pagnaka ganja…buti nga di ko sinali si batman and robin..hahahaha

Komento ni Arphie

“ayoko ng mag isa. ayoko nang mag text sa mga friends ko na sabayan ako pagpunta sa mall dahil bored ako na sana ikaw ang gumagawa. ayoko ng parang namamalimos ako sa ibang tao para may mabuhusan ang frustration sa buhay ko na sana ikaw ang nasa tabi ko sa mga oras na yun.”

i feel the same..he cannot be with me all the time when it’s what i have been wishing for :C

BAI: ang mga ganyang tao dapat nang ipakain sa buwaya

Komento ni soulcaptive




Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s



%d bloggers like this: