bai’s Weblog


Mama’s Day..ewww
Mayo 10, 2008, 2:29 umaga
Filed under: CELEBRATION, gay, MOTHER, Uncategorized | Mga kataga: , , , ,

 

mom and model looking sistah

Anak ng putcha! mothers day pala today. di ko man namalayan ang oras or wala lang tlaga akong pakialam. hayy buhay u know me naman basta’t DATE na ang usapan wala akong alam dun.in fact birthday ko lang and kay lola ang alam ko. ang iba ay I-DONT-CARE!

anyways since mother’s day na bukas gusto kong ialay ang post na to sa kanya. di ko masasabing super duper love ko ang mom ko kasi naman super duper cloz ako sa lola ko. unfortunately na dead na si lola. sayang nga eh di man lang nya nakitang nagmartsa ako with my sablay habang si OBLE ay nasa harapan ko. kakainis nga eh! february sya namatay, April naman ang graduation namin! grrr!! di man lang pina extend ni GOD ng two months ang life span ni Lola.

GOING BACK to my bio mom, bata pa lang ako medyo may angst na talga ako sa kanya. everytime na umaalis sya ng bahay like out of town trip lagi na lang akong iniiwa. bitbit nya palagi my three SPECIAL SIBLINGS. di kasi ako cute kaya di nya ako sinasama sa mga parties or wedding ng mga kamag anak or friends namin. Or seguro kaya lagi nya akong iniiwan sa bahay or magbantay ng tindahan dahil medyo GIFTED CHILD ako or may utak as compared to my siblings. whatever her reasons or execuses, di yun naging maganda para magkaroon tayo ng good parent relationship. thats the reason also kayat super duper close ako sa lola dahil kami ang laging magka tandem. naiiwan sa bahay. parang loveteam!

mom, u cannot blame me that most of the time di ko feel ibigay ang mga hiling mo and di kita masyadong tinitxt kasi naman ikaw rin ang may sala nyan. childhood experiences in life play important roles sa development of our mind thinking, attitudes and behaviors. di mo yun mom na establish sa akin.

u cannot blame me too if hindi ako naging cute gaya ni kuya, naging loving gaya ni sistah and bunso, dahil hello?? sperm and egg cells nyo kaya ang pinagsama para mabuo ako. unless anak ako sa labas. you know naman si daddy how playful he was during his younger days. pero eto malaki na ako, 24 yo na ako. im sure na surprise ka na medyo yung mga paborits mo eh nalamangan ko na in terms of looks, career and etc. hindi na cute si kuya, in fact malaki na ang tiyan nya. di na rin ganun ka amor si sistah at di na rin ganun ka babayishness si bunso.

hindi ako naghihiganti or insecure. sinasabi ko na lang na sana maging patas ang treatment nyo sa amin. talagang bilog ang mundo. ang inaapi ang syang namamayagpag na ngayon. hmm parang babangon ako’t dudurugin kita ang drama..ahhaahah

pero pasalamat pa rin ako na pinaglaban mo ako kay daddy na mag aral sa UP intead of MSU. Im very much thankful that everytime na magkakasakit ako ikaw ang unang nagpapainom at nagpapakain sa akin. alam kong naiirita ka pag nagkakasakit ako kasi masyado akong OA at nag iinanarte. pero salamat na rin sa sa patient mo na di mapapantayan. salamat din sa mga panahon na naging jobless ako at namimigay ka ng 100 pesos globe load every twice a day kahit na ginagamit ko lang yun for my sexual pursuit of happiness.

pero i just realized that i should also be thankful sa ugali mong iniiwan mo ako ng mag-isa, di tinutulungan sa mga pagsagot sa nakakalitong MATH problems and etc kasi i learned to become independent. i become a streetsmart kid. i can live my life alone. kung makikita mo ang ugali sa SPECIAL SIBLINGS ko talagang naiiba ako. masyado silang dependent sa inyo. konting galos lang or allergy sa katawan parang namamatay na. kailangan pa nilang tumawag sayo to solve their own issues. yakss!!!

but right now, hanggang blog na lang muna ako. di ko pa feel magkaroon ng best actor trophy na iiyak sa harapan nyo and will exchange sorrys. eeww cant imagine it..kadiri!!! time will come masasabi ko rin ang mga disappointments ko sa’yo. humuhugot pa ako ng lakas.

and wait, ive heard from your sistah na medyo alam mo na kung sino ako. even if your not saying anything about it i know na medyo nahihirapan kang tanggapin. pero mom, siguro yung pangarap na magkaroon ng additional member/s ng family paubaya mo na lang yun kay kuya.  i know dad wants me to get married this year and i know may “apple of the eye” na kayo. but sana wag nyo nang ipilit ang mga bagay na imposible sa ngayon. let me enjoy my life of being single. let me enjoy my love with men. whahah

i love you and happy mother’s day. mwaah